Jordan Poole, nagpatunay bilang gintong susi ng GSW sa '21 - '22 Season
ni: Matthew Christian M. Marquez
Nagpasiklab ang 22 taong gulang na si Jordan Poole na karapat-dapat siyang makasama sa starting five ng Warriors ngayong 2021-22 season ng NBA. Matapos ang unang dalawang niyang taon kasama ang koponan, nakuha na ni Poole ang momentum para maging isa sa mga inaasahang player ng Golden State sa playoffs.
Si Poole ay ang 28th overall pick noong 2019 NBA draft. Ngunit sa unang dalawang taon kasama ang Warriors, nahirapan si Poole makasama sa rotation ng koponan nito. Masasabing ang pangalawang season niya rin ang worst season ng Golden State na may record na 15 wins at 50 losses.
Matapos ang G-League, nahigitan ni Poole ang lahat ng inasahan mula sa kanya. Mula sa average niya na 18 points at tatlong assists ngayong season, tumatala pa ng mga score sa 3-point line, rim, at foul line. Binalik ni Poole ang pangarap ng Golden State sa championship ngayong taon matapos niyang maging panghalili dahil sa injury ng “Splash Brothers” na sina Stephen Curry at Klay Thompson.
Ayon sa teammate nito na si Draymond Green, maikukumpara ang performance ni Poole ngayong season sa performance ng Golden State star na si Curry. Calculated ball movement ang dahilan sa mga panalo ng GSW, at kasama si Poole bilang susi ng opensa ng koponan. Masasabi rin na kung wala ang improvement ni Poole sa Warriors, hindi mapupunta ang kampo sa 3rd seed ngayong season.
Sa unang round ng playoffs, hindi nagpatinag si Poole sa performance niya noong regular season. Nag-init ito ng 59 points na may 59% sa three-point line sa unang dalawang laro laban sa Denver Nuggets
"It's pretty remarkable to see the similarities now with both the on- and off-ball stuff. Jordan has had a pretty good apprenticeship with learning from Steph. But he was fantastic tonight,” ani ni Steve Kerr, ang head coach ng Warriors.
Marami ang tumitingala kay Poole bilang isa sa kinakailangang bahagi ng Golden State para sa championship ngayong season. Kasama nina Curry at Thompson, isa si Poole sa mga manlalaro na pinapahalagahan ng GSW at fans nito dahil sa game-changing shots ng shooting guard at playmaking capabilities nito sa opensa ng Warriors ngayong unang round ng playoffs kung saan nakakuha nga ang kampon ng 4-1 series win laban sa Denver Nuggets.
Ngayong nasa third season na si Poole, marami pang oras para humusay ang laro niya at inaasahang mas marami pa tayong matutunghayang laro kung saan siya ang magpapakinang ng Golden State sa kampeonato.